-Key of Destiny-

Inspire yourself by realizing the thoughts that will make way to your success

 
Follow Me!
Photobucket
Follow my blog by clicking the image above.
Navigation
Featured Video

Can't see? Then Try clicking the full screen mode.
Oscars

Award from Rhaingel :]
Isang Saludo sa isang katulad ko
Friday, July 03, 2009

Sa araw araw na pakikisalamuha ko sa mundo, sa araw araw na pananatili ko sa mundong ito, marami akong nakikitang bagay na lubos kong nagugustuhan. Marami din akong gustong makamit, ngunit napaka-ikli lamang ng oras ng pananatili ko dito sa mundo para makuha ko ang mga iyon iyon. Kulang pa ang aking mga kaalaman at kasanayan para magawa ko ang iba't ibang bagay. Isa pa lamang akong estudyante ngunit marami na akong pangarap para sa sarili ko, sa mga kaibigan ko at sa aking mga magulang at kapatid. Isa lamang din akong tao na maraming pagkakamali sa buhay at natututo sa kanyang mga pagkakamali.

Anu-ano ba ang mga pangarap ko para sa aking sarili?

Una, gusto kong makatapos ng pagaaral upang magkaron ako ng magandang kinabukasan. Ito na rin ay tulong para sa aking mga magulang. Ngayon naman ay ipinapakita ko sa kanila na nagaaral ako ng mabuti sa pamamagitan ng paglahok ko sa listahan ng dean o deans lister. Mahirap para sa akin yun dahil nakikipaglaban ako sa kahinaan ko sa matematika. Nagagawa kong labanan yun dahil sa mga kaibigan ko. Hindi man ako patuloy na nagiging "Deans lister", natutuwa parin sila dahil nakakakuha padin ako ng matataas na grado. Isang araw ay sinubukan kong kumuha ng "scholarship" upang makatulong sa mga magulang ko sa pagbayad ng tuition fee upang mabawasan ang binabayaran namin sa eskuwelahan ko. Ngunit nabigo ako at hindi nakakuha, masakit man sa loob ko ngunit handa kong tanggapin na hindi ako makakasali doon. Pag nakatapos na ako, maaari na akong tumulong sa mga magulang ko at makapagtrabaho.

Pangalawa, kung makakapagtapos ako, hindi ko masisigurado kung kukuha ako ng "masteral degree" para sa aking napiling propesyon dahil kailangan na talaga ng mga magulang ko ng aking tulong. Kung sakaling makakapagtrabaho agad ako, mapupunta ang unang kinita ko sa mga magulang at kapatid ko.

Pangatlo, pansarili lang na kagustuhan ito, sana ay magkaroon ako ng nintendo DSi at mamaster ko ang paborito kong karakter sa tekken na si asuka kazama. Ang nintendo DSi ay isa sa mga gusto kong materyal na bagay na gustong gusto ko. Mas maraming nagsasabi na mas maganda ito kaysa sa PSP, ngunit mas gusto ko parin ang DSi. At si Asuka Kazama naman na aking paborito ay hindi ko pa lubos na nagagamit ng maayos, madami padin akong pagkakamali at mga sablay, sana bago ako matapos sa kolehiyo ay mahusay na ako sa paggamit sa kanya.

Pangapat, maiangat ko ang aking moralidad, respeto sa sarili at pagkakaron ng malawak na imahinasyon.

Panglima, gusto ko sanang tumulong sa mga taong tumulong sa aking nang naghihirap ako. Isa na dito ang napakamatalik kong kaibigan na si Paul na hangga't maaari ay tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya ng hindi nagdadalawang isip at tunay. Marami nang nagawang tulong si paul sa akin, maaaring pag nagtapos na kami ng pagaaral ang tamang panahon para ibalik ang mga kabutihang ibinigay niya para sa akin. Syempre kasama ko din to sa biruan at sa halos lahat ng gala ko andun kasama ko yan. Kasama na rin dito ang mga kaklase ko sa ikalawang paaralan at sa Block CA. Mga kaklase ko na lagi kong kasama sa biruan. Lalo na sila Maika, Michael at si tatay Benja. Sa usapang matino katulad ni Anna, Russell at Jeen. Sa block CA na si james na lagi akong niyayabangan pero ayos lang kasi yun na ang biruan namin pero sa seryosong usapan, masasabi kong napakabait neto, si Chester na laging nanlilibre at naging mabuting kaibigan sa akin, si Takki na napaka-kulet pero sa kaloob looban may mabuting loob at madami pang iba.


Ilan lamang ito sa mga kagustuhan ko sa buhay, marami pa akong gustong makamit ngunit kung titignan natin ng mabuti, marami-rami na rin ito. Binibigyan ko ng saludo ang aking sarili dahil sa tingin ko, maraming tao na ang matutulungan ko sa aking mga kagustuhan. Ang mga hiniling ko ay hindi para sa sarili ko lamang, ngunit sa mga taong mahal ko, sa mga taong mahal ako, at sa mga taong pinagaalalahanan ko ng lubusan. Sana ay ganito ang mga tao sa buong mundo, na hindi lamang ang sarili ang iniisip kundi pati na rin ang mga taong nasa paligid nila.

Gaya nga ng sabi nila "Iabot ang iyong kamay sa mga nangangailangan, at pag ikaw ang nangailangan, maraming kamay ang magaabot ng tulong para sa iyo." Hindi ko ginagawa ang mga bagay na ito dahil sa gusto kong madami ding tumulong sakin, gusto kong gawin ang mga bagay na ito para maiangat ko ang mga taong malapit nang malubog sa depresyon at kahirapan at mapanatili kong maligaya ang kanilang mga buhay.

Labels:

posted by -vJ reX- @ 5:04:00 AM  
1 Comments:
  • At 7:21 AM, Blogger Unknown said…

    Nagustuhan ko ang linyang ito: "Ang mga hiniling ko ay hindi para sa sarili ko lamang, ngunit sa mga taong mahal ko, sa mga taong mahal ako, at sa mga taong pinagaalalahanan ko ng lubusan"

    Goodluck sa mga plano mo. lalo na ung pinaka-malalim... ung mamaster mo si Asuka. iyan ang pinaka-dakila sa lahat. haha :))

    jowk lang. pinapatawa lang kita. peace. Pero promise, kasama ka sa mga dasal ko na maging matagumpay. Alam kong kaya mo yan. :)

     

Post a Comment

<< Home
 
About Me

Name: -vJ reX-
Home: Philippines
About Me: YES PLEASE: lakes, lasagnas, pizzas, shoes, gadgets, shirts, challenges... NO THANKS: vegetables, exotic foods, emo, rude persons :)...
View my complete profile
Blog Previous Posts
Blog Archives
Try to visit these sites!
Thanks to:

Free Blogger Templates

BLOGGER