-Key of Destiny-

Inspire yourself by realizing the thoughts that will make way to your success

 
Follow Me!
Photobucket
Follow my blog by clicking the image above.
Navigation
Featured Video

Can't see? Then Try clicking the full screen mode.
Oscars

Award from Rhaingel :]
Tagalog taym!
Friday, January 02, 2009
Matagal tagal na rin akong hindi nakakapagsulat sa isang blag gamit ang wikang tagalog. Bilang Pilipino kailangan ko din gampanan na tangkilikin ang sarili nating wika at iyon ang Wikang Filipino. Napansin ko lamang ang mga balita na ang polusyon sa ating mundo ay lumalaki at lumalala ngunit marami parin na mga tao ang umaabuso sa ating kalikasan. Ako man ay hindi makaiwas sa paggamit ng "styropores" at mga plastik na kagamitan ngunit nagagawa kong iwasan na magtapon ng basura sa mga kalsada dahil isa rin ako sa mga nagaalala na baka pagdating sa huli ay tayong mga tao ang mawawalan. Kung iisipin natin, saan ba tayo kumukuha ng isa sa mga pangunahin nating pangangailangan upang mabuhay? Sa kalikasan tayo kumukuha ng pagkain na ating kinakain, tubig na ating iniinom at hangin na kailangan natin sa pangaraw araw. Tayong mga tao ay nakadepende sa ating kalikasan, ngunit bakit ganito sinisira natin ito? Unti-unti nang nasisira ang kalikasan. Wala namang ibang sisisihin dito kundi tayo ring mga tao. Tayo rin ang pinakamataas na uri ng hayop dahil tayo ang binigyan ng Panginoon ng isip upang mapangalagaan ang kalikasan na ginawa niya para sa ating lahat.

Kung maaalala ninyo, marami nang tao ang nasawi sa mga hagupit ng bagyo, tensyon na binibigay ng lindol, bagsik ng tsunami, at nakakatakot na ipo-ipo. Yun na siguro ang babala ng ating kalikasan na dapat natin ito pangalagaan. Kung iisipin ulit natin, ibinigay ito ng Panginoon ng walang dumi, walang polusyon at malinis na malinis.

Dahil sa pagtaas ng teknolohiya sa henerasyon na ito, marami na rin ang mga kemikal na nakakasira sa ating kalikasan. Ang mga "nitrous" na kemikal at iba pa. Ang mga pabrika ay madalas din itinatayo sa tabi ng ilog dahil dito nila itinatapon ang mga dumi na naipon nila. Hindi ba nila iniisip na pupwede pa inuman ang mga ilog na tinatapunan nila? Naaalala ko ang kinukwento ng aking lola na noong panahon daw ng kanyang kabataan, ang mga tao ay madalas naglalaba ng kanilang mga damit sa tabi ng ilog at doon na din sila naliligo. Ansarap daw ng tubig na galing sa ilog. Ngunit ngayon, hindi na ito pwede inumin dahil punung-puno na ito ng mga nakamamatay na kemikal. Iniisip ko kung sa henerasyon na ito ay may malinis pang tubig galing sa ilog, maaari pang kumuha ang mga tao rito ng kanilang tubig at nakakalibre pa tayo. Hindi ko man lang naranasan na makapaglaro sa ilog dahil nanggigitata na ito ng dumi.


Kung tayo ay magkakaisa at gagawa tayo ng paraan maaari pa natin maisalba ang ating kalikasan at hindi na ito tuluyang masira. Tayo din namang mga tao ang gumawa ng kasiraan ng ating kalikasan, kaya tayo na rin ang makakagawa kung papano natin ito maisasalba. Kung sinisimulan na natin na magtanim ng mga puno sa isang lote, marahil magkakaroon na tayo ng mas maraming preskong hangin na lalanghapin. Kung ang mga tao ay nagkakaisa upang linisin ang tubig sa ilog, sapa at dagat, marahil mas maganda sa paningin ang ilog na mayroong malinis na tubig. Sa paraang ito, mapapamana pa natin ang ating kalikasan sa mga susunod na henerasyon. Nakakaawa naman ang mga susunod na henerasyon kung ang ilog na napakaganda noong unang panahon ay tuyo na sa kanilang henerasyon. Nakakalungkot isipin kung wala na ang mga puno na nagbibigay ng hangin sa atin upang mabuhay. Baka dahil sa kakulangan sa puno ay gawin nang buwis ang paglanghap sa hangin. Nasa huli din naman ang ating pagsisisi. Ako ay labis na natutuwa dahil ang iba sa mga kalikasan ng Pilipinas ay kalahok sa new 7 wonders. Ibig sabihin nito ay hindi lahat ng kalikasan sa Pilipinas ay sira na o tinatawag na "polluted". Ito ang nagbibigay pagasa sa mga Pilipino na mabibigyang lunas pa ang kasiraan ng kalikasan.

Sa mga nagbabasa ngayon, hindi pa huli ang lahat para umakto tayo. Hindi pa nauubos ang ating oras. Kaya sana kahit konti ay makatulong tayo sa ating kalikasan. Ang mga maliliit na balat ng kendi kung maaari sana ibulsa muna natin. Sana ay magkaroon ng tinatawag na "proper segregation" upang maging maayos ang pagdaloy ng ating basura dahil tayo din naman ang nakikinabang sa kalikasan na ibinigay sa atin ng Panginoong nasa taas.

Labels: , , , ,

posted by -vJ reX- @ 6:12:00 AM  
2 Comments:
  • At 6:21 PM, Anonymous Anonymous said…

    Tama! Tama! Kung ang bawat isa sa atin ay 'makikialam' sa lumalalang sitwasyon ng kalikasan, magkakaroon ng malaking pagbabago. Ang bawat maliit na aksyon mula sa atin ay tunay na mahalaga at may magagawa. Nagkaroon ako ng asignaturang Geology at mula roon ay namulat ang aking mga mata sa lahat ng mga pangyayaring mga tao rin naman ang gumagawa. Masaya ako dahil may mga katulad mo na may pakialam pa sa kalikasan kahit pa maunlad na talaga ang antas ng pamumuhay ng tao kung ikukumpara ang dating sibilisasyon. :)

     
  • At 7:35 AM, Blogger -vJ reX- said…

    @Rhaingel

    Yun nga eh hindi pa huli ang lahat para gumawa tayo ng paraan upang maligtas ang ating kalikasan sa pagkasira nito. Katulad ng sabi ko sa aking sinulat, Tayo rin naman ang may gawa ng kasiraang ito, kaya tayo rin ang makakagawa ng paraan para mahilom ang sugat na ibinigay natin sa "MOTHER NATURE". Salamat rhaingel sa pagbasa ng aking sinulat :)

     

Post a Comment

<< Home
 
About Me

Name: -vJ reX-
Home: Philippines
About Me: YES PLEASE: lakes, lasagnas, pizzas, shoes, gadgets, shirts, challenges... NO THANKS: vegetables, exotic foods, emo, rude persons :)...
View my complete profile
Blog Previous Posts
Blog Archives
Try to visit these sites!
Thanks to:

Free Blogger Templates

BLOGGER